Balak ng Bureau of Immigration and Deportation na magtalaga ng kanilang mga Intelligence operative sa mga pantalan sa Mindanao na nagsisilbing backdoor papasok ng Pilipinas.
Ito’y ayon sa B.I. ay dahil sa mga ulat na ilang terorista ang dumaan sumano sa mga nasabing pantalan at kasama pang nakipagbakbakan sa lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur.
Ayon sa Port Operations Division Chief ng Immigration na si Marc Red Marinas, kanilang aatasan ang border control intelligence unit para tiyaking wala nang mga terorista na iligal na makapapasok sa bansa.
Kasabay nito, inirekumenda rin ni Marinas kay Immigration Chief Jaime Morente na kumuha ng mga tauhan na may karanasan sa intelligence gathering at law enforcement para maitalaga sa mga pantalan sa Mindanao at Palawan.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
Mga backdoor passages ng Pilipinas tatauhan na rin ng immigration was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882