Nakatakdang manumpa bukas ng hapon ang mga bagong abugado sa Special En Banc session ng Korte Suprema sa Mall of Asia Arena.
Batay sa inilabas na advisory ng Supreme Court Public Information Office, kinakailangang kunin ng mga bagong nakapasang abugado ang kanilang clearance sa Office of the Bar Confidant.
Magsisimula ang Special En Banc Session ng Alas 3:00 ng hapon at ang mga mahuhuli ng dating ay hindi na papapasukin kayat dapat na isaalang-alang ang posibleng traffic papunta sa SM Mall of Asia.
Kabuuang 3747 ang nakapasa sa bar examinations noong nakalipas na taon o 59% mula sa 6344 na kumuha ng eksaminasyon.
By: Aileen Taliping