Nakatakdang dumating ngayong buwan ang unang apat napung (40) air-conditioning unit na binili ng Department of Transportation o DOTr para sa Metro Rail Transit o MRT.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, inaasahang sa Setyembre ay masismulan na ang pagpapalit sa mga lumang air-condition unit sa MRT.
Gayunman sinabi ni Batan na posibleng tumagal pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago makumpleto ang pagkakabit ng mga bagong air-con unit.
Magugunitang nag-viral ang video ng malakas na pagtulo ng tubig sa loob ng bagon kung saan itinuturong dahilan ang sirang air-condition unit.
—-