Lumutang ang mga bagong akusasyon laban kay U.S. President Donald Trump sa kauna unahang pagsasapubliko ng impeachment hearing.
Sa kanyang detalyadong opening statement, isinalaysay ni acting U.S. Ambassador to Ukraine Bill Taylor ang di umanoy seryosong pagtutulak ni Trump na maimbestigahan si dating Vice President Joe Biden.
Ayon kay Taylor, narinig di umano nang kanyang tauhan na kausap ni Gordon Sondland, ang US Ambassador to European Union si Trump.
Nang tanungin umano ng kanyang tauhan si Sondland kung ano ang napag usapan nila ng pangulo, sinabi nitong masyado ang pagpapahalagang ibinibigay ni Trump na maimbestigahan si Biden.
Matatandaan na una nang sinabi ni Trump na halos hindi nya kilala si Sondland.
Nahaharap sa impeachment si Trump dahil sa di umanoy pag ipit sa U.S. military aid para sa Ukraine upang i-pressure silang imbestigahan si Biden.