Sa isang bibihirang pagkakataon, aprubado kay Senadora Leila De Lima ang mga bagong itinalagang opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay De Lima, good choices, pawang may karangalan, kakayahan at integridad ang mga bagong talagang opisyal ng pangulo.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde bilang kapalit ni outgoing PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa habang si Western Mindanao Command Chief Lt. Gene Carlito Galvez naman ang magiging susunod na Armed Forces Chief.
Gayundin ang pagkakatalaga kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra bilang kapalit ng nagbitiw na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Samantala, duda naman si De Lima sa naging pagpayag ni Pangulong Duterte na magbitiw sa pwesto si Aguirre.