Tatlumpu’t siyam na mga bagong pangalan ang madaragdag sa mga maninilbihan sa Adminsitrasyong Duterte
Inilabas na ng Malakaniyang ngayong araw ang listahan ng mga bagong appointees ng Pangulo sa iba’t ibang kagawaran
Kabilang sa mga bagong appointees sina Atty. Ranibai Dacula Dilangalen at Evelyn Gonzales Laviñ bilang undersecretaries ng Department of Agriculture
Habang Asst/Secretaries naman ng parehong kagawaran sina Hansel Didulo, Enrico Garzon, Lerey Panes at Francisco Villano
Itinalaga namang direktor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR si Eduard Baluca Gongona habang pamumunuan naman ni Alfredo Aton ang Agricultural Training Institute
Itinalaga bilang deputy executive ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries si Sara Gayona habang executive director naman ng Philippine Fiber Industry Development Authority sina Victor Barranco Prodigo
By: Jaymark Dagala