Tadtad ng anomalya ang mga bagong bagon ng MRT o Metro Rail Transit Line 3 kaya’t hindi pa ito dapat patakbuhin.
Ito ang binigyang diin ni PBA Partylist Representative Jericho ‘Koko’ Nograles sa harap na rin ng mga aberyang nararanasan ng MRT-3 sa ilalim ng mga kasalukuyang bagon nito.
Sa panayam ng programang “Karambola”, iginiit ni Nograles ang pagrepaso sa pinasok na kontrata ng nakalipas na administrasyon hinggil sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT.
“Itong Dalian train kasi napag-alaman natin na maraming hindi nasunod doon sa kontrata, in fact may nickname na ako diyan, ang tawag ko diyan ay rolling coffin, hindi pa naman siya operational pero hindi pa dapat talaga siya magiging operational kasi ang mga safety nets nito ay hindi nasundan, imagine ayon sa kontrata dapat ang mga rolling cargo natin ay na-safety test doon sa China bago pa man mai-deliver dito.” Ani Nograles.
Kinuwestyon din ni Nograles ang nakaambang pagbabayad ng pitumpung (70) porsyento ng kontrata sa Dalian Locomotive gayung hindi pa batid kung mayroon nang motor na magpapatakbo sa mga nasabing tren.
“May report last year na na-deliver tapos walang motor, ngayon gusto nating malaman kung meron na ba, kung dumating na ba? eh hindi nga natin alam kung dumating na ang motor tapos may rekomendasyong bayaran? teka lang, teka lang yung ang problem natin akala ko ba bawal ang graft and corruption ngayon, eh ano ito? bakit may recommendation na magbayad ng 70 percent?” Pahayag ni Nograles
By Jaymark Dagala | Karambola (Interview)
Catch it weekdays 8:00-9:30 in the morning with Jojo Robles, Conrad Banal, Jonathan dela Cruz and Prof. Tonton Contreras
Photo Credit: DOTC