Determinado ang pamunuan ng MRT o Metro Rail Transit na mapatakbo na ang mga bagong tren sa susunod na buwan o sa Hunyo.
Ayon kay MRT General Manager Deo Manalo, nagte-test na lang sila ng signal link at hinihintay ang isang certification para matiyak na ligtas ang mga bagong tren.
“Yun pong mga bagong bagon ng MRT ay dumating na noong January, nagte-testing na lang po kami ng signalling at inaasahan po namin na by May or June baka puwede nang patakbuhin. Meron na lang po kaming hinihintay sa safety certification na manggagaling sa signalling supplier para ma-assure na safe po ang mga bagong tren.” Ani Manalo
Samantala, inaasahang maaayos na bago matapos ng taon ang pagdaragdag ng power supply para umayos pa ang takbo ng mga tren ng MRT.
Ipinabatid sa DWIZ ni MRT General Manager Deo Manalo na ongoing ang konstruksyon para sa dagdag supply at kapag nakumpleto ito ay apat na tren ang ba biyahe na bukod sa normal na dalawampu (20) para na rin mas maraming pasahero ang makasakay.
Tinututukan din nila aniya ang konstruksyon pa ng emergency parking ng mga bagong para mas maraming tren pa ang makabiyahe.
“Marami na po yung madadala natin at maibabiyaheng mga pasahero, ngayon meron na lang po na isang component yun, yung emergency parking ng tren, sa kasalukuyan tatlo po ang puwedeng mag-park, kung ma-expand natin ng mas mahaba, mga next year po apat na bagon na ang tumatakbo bawat tren, mas mahaba na po ang tren.” Pahayag ni Manalo
By Judith Larino | Ratsada Balita (Interview)
*DOTr Photo