Hindi akma ang mga bagong biling bagon sa kasalukuyang train system ng Metro Rail Transit (MRT).
Ito ang tinukoy ng Department of Transportation (DOTr) kaya’t hindi pa rin nagagamit ang mga bagong bagon na nagkakahalaga ng 3.76 bilyon piso kahit nabili ito sa noon pang panahon ng nakaraang administasyon.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation kahapon, sinabi ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez posibleng hindi pa rin magamit ang naturang mga tren sa susunod pang mga taon.
Aniya, kinakailangan pa kasing gumastos ng mahigit 800 million pesos para maging compatible ang mga bagon sa MRT system para mapakinabangan.
Samantala, posible ring magbayad ng multa ang gobyerno sa Light Rail Manila Corporation kung hindi maitatayo ang LRT Common Station sa 2019.
By Rianne Briones
*DOTC Photo