Tiwala ang Commission on Elections (COMELEC) na papalo sa mahigit 4-milyon ang mga bagong botante na magpaparehistro para sa 2022 election.
Ito, ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ay dahil tatagal ng mahigit isang taon o hanggang September 30, 2021 ang voter registration.
Sinabi ni Jimenez na nangangahulugan itong mayroong mas mahabang panahon ang mamamayan para makapagpa-rehistro upang makaboto sa susunod na eleksyon.
Samantala, ipinabatid ni Jimenez na wala pa namang silang natanggap na concern o problema sa unang araw ng voter registration kahapon, Enero 20, matapos ding dagsain ng mga magpapatala ang COMELEC office sa Maynila at Pasay.