80% nang tapos ang konsytruksyon ng mga bus stops para sa inilagay na bus lane ng Department of Transportation sa gitna ng Edsa.
Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, inaasahang magagamit na simula sa Agosto o Setyembre ang mga nabanggit na bus stops.
Maliban dito, tuloy-tuloy din ang paglalagay ng mag concrete barriers at steel separators para sa median bus lane.
Samantala, may mga ipinakakalat namang limang MMDA constables at isang motorcycle rider sa median bus lane sa Edsa para matiyak ang pagpapatupad ng batas trapiko gayundin ang kaligtasan ng mga pasahero.
Muli namang pinaalala ni Pialago na tanging mga public utility buses, bus augmentation, at city buses lamang ang maaaring dumaan sa bus lanes at tanging exception lamang ay government emergency vehicles tulad ng ambulansiya at patrol units.