Kasalukuyan nang ginagamit ang mga bagong COVID-19 modular facility sa Batangas Medical Center (BATMC).
Ito’y ayon kay BATMC Director Dr. Ramoncito Magnaye makaraang pasinayaan ang pasilidad noong nakaraang linggo.
Dahil dito, sinabi ni Magnaye na kaya na ulit nilang kumuha ng mga dagdag pang pasyente sa kanilang ospital.
Pito aniya ang nakaratay ngayon sa isolation facility habang dalawa naman sa ICU o intensive care unit.
Maliban sa taglay na single beds kada kwarto, sinasasabing may sarili rin itong palikuran, negative pressure, at anti-bacterial flooring.