Nagagamit na ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) ang bagong blast booth at painting booth sa depot nito para sa overhauling activity ng mga tren.
Ginagamit ang blasting booth para tanggalin ang pintura ng mga overhauled trains.
Ginagamit naman ang painting booth para sa paglalagay ng panibagong pintura sa mga tren.
Magugunitang nakapag-upgrade na rin ng depot equipment ang MRT-3 tulad ng balancing machine, wheel press machine, re-railing equipment, vertical storage carousel, carbon filter box at pressure washer.
Ang pag-upgrade ng mga equipment at facilities sa depot ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linysa sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo.
MAGANDANG BALITA!
Mga bagong depot facilities, nagagamit na ng MRT-3 pic.twitter.com/960YTzeCgZ
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) December 2, 2020