Kinumpirma ng PNP-Region 7 na may bago nang namamayagpag na drug lord sa Central Visayas.
Ayon kay Police Regional Office 7 Director Chief Supt. Noli Taliño, ito ay matapos na maaresto o kaya naman ay mapatay na ang mga naunang mga drug lord sa probinsya.
Bagama’t hindi ibinulgar ni Taliño kung sino ang naturang drug personality sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency para mahuli ito.
Una nang tinukoy ng PDEA na mayroong siyam (9) na drug lord ang nag-ooperate sa Region 7 kung saan anim sa mga ito ay naka-base sa Cebu.
By Rianne Briones