Asahan ang panibagong pasabog sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng senado hinggil sa ‘GCTA for sale’ at ‘ninja cops’ bukas.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto, may mga ilalabas na mga bagong ebidensiya at testigo ang Senate Blue Ribbon Committee.
Aniya, siyam na subpoena ang kanyang nilagdaan kagabi at kabilang sa pinadalhan ng mga ito ang limang bagong testigo.
Dagdag ni Sotto, may nakuha rin silang kopya ng mga dokumento hinggil sa mga sasakyan ni Johnson Lee na sinasabing kinuha ng mga ‘ninja cops’.
Si Lee ang Korean national na nakuhanan ng mahigit 200 kilo ng shabu ng mga ‘ninja cops’ sa isang raid sa Pampanga na nakalaya rin matapos magbayad ng 50 milyong piso. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)