Inilalatag na ng Senate Committee on Justice ang mga ipipresentang ebidensya sa pagpapatuloy ng pagdinig sa extrajudicial killings sa Huwebes, September 15.
Kabilang sa mga kinakalap na ebidensya ang video at mga testigo sa di umano’y pagpatay ng mga pulis sa isang pedicab driver sa Pasay na hinihinalang tulak ng illegal drugs.
Sinasabing maririnig sa video ang mga salitang susuko na subalit pinagbabaril pa rin ito at tinamaan ng 14 na beses.
Hinihanap na rin ang video sa di umano’y overkill na pagpatay sa isang barangay kapitan ng Caloocan na di umano’y sangkot rin sa bentahan ng droga.
Samantala, haharap na rin sa pagdinig ng Committee on Justice ang 10 testigo na di umano’y dumulog sa Commission on Human Rights (CHR).
By Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)