Ipagagamit ng Philippine Marines sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City ang mga bagong armas na ibinigay sa kanila ng United States Government.
Ito’y ayon kay Marine Commandant Maj/Gen. Emmanuel Salamat ay bilang tulong nila sa kampaniya ng pamahalaan na sugpuin ang terorismo sa bansa.
Kabilang aniya sa mga armas na kanilang ipagagamit ay ang 300 piraso ng M-4 carbines, 200 Glock 21 pistols, 4 na m-134 Gatling style machine guns, 100 M-203 Grenade launchers at 25 bagong combat rubber raiding craft.
Paglilinaw ni Salamat, walang halong pulitika ang ibinigay na kagamitan ng Amerika dahil matagal na aniyang mayruong ugnayan ang dalawang bansa sa ilalim ng mutual defense treaty.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal