Inatasan ng Inter Agency Task Force on the management of emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga local government unit’s (LGU) at ibang ahensiya na gamitin ang ipinalabas na bagong guidelines ng Department of Health (DOH).
Kaugnay ito ng bagong classification system para sa pagtukoy ng mga mino-monitor na indibiduwal dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, dapat na i-update ng mga LGU’s at iba pang government agencies ang mga ipinalabas nilang abiso hinggil sa COVID-19, gamit ang bagong classification system ng DOH.
Batay sa abiso ng DOH, tutukuyin na bilang “confirmed” ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa testing.
Pinalitan naman ang person under investigation (PUI) ng suspect o mga taong may sintomas pero hindi pa naisasalang sa test at probable o ang mga naghihintay ng resulta ng COVID-19 tests.
Habang tinanggal naman ang person under monitoring (PUM) sa classification.