Bumaba na lamang sa mahigit 1 libo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) mula sa naitalang 4,000 nuong buwan ng Enero.
Batay sa datos ng PNP Health Service ay nasa 1,125 ang total active cases sa PNP mula sa kabuuang 48,447 na mga tinamaan ng virus buhat nang magsimula ang pandemiya.
Nakapagtala rin ang PNP ng 286 na mga bagong gumaling sa sakit na limang beses mas mataas kumpara sa naitalang bagong kaso na nasa 56 lamang.
Wala namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19 sa PNP kaya’t nakapako sa 127 ang kanilang total death toll. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)