Sisimulan nang i-deploy sa Lunes ang nasa 300 mga bagong guro sa elementarya at high school sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ito’y matapos aprubahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang pagkakatalaga sa mga ito bilang mga bagong guro sa rehiyon.
Ayon kay Dr. John Magno, Regional Secretary ng Department of Education o DepEd-ARMM, ang mga dagdag na guro ay inaasahang tutugon sa problema sa edukasyon sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi naman ni Magno na maraming aplikante ang hindi nakapasok dahil sa kakulangan sa documentary requirements, walang lisensya sa pagtuturo, at pagbagsak sa pagsusulit.
By Jelbert Perdez