Labing isang (11) mga bagong judges ang itinalaga ngayung unang buwan ng 2017 ni Pangulong Digong Duterte para sa ibat ibang korte sa bansa.
Sa transmittal letter mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ipinadala kay Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno, na may petsang January 17, 2017 nakasaad dito ang pagkakatalaga nina Judge Mary Jane Valeza-Maranan ng RTC Lemery, Batangas, Niven Canlapan bilang RTC judge ng Carmona, Cavite., at sa korte ng Laguna itinalaga sina Tomas Ken Romaquin sa RTC Judge of Binan, Mary Jean Cajandab-Pamittan sa RTC Sta. Cruz, Rosauro Angelito David sa sta. Rosa, at Gil Jude Sta Maria RTC sta rosa,
Samantala sa Puerto Princesa, Palawan itinalaga rin sa RTC bilang hukom sina Arnel Cezar Branch 163, Anna Leah Tiongson-Mendoza sa branch 164, Ramon Chito Mendoza sa Branch 165.
At sa RTC Labo, Camarines Norte itinalaga bilang hukom si Alma Balilla Operio at Erwin Dimayacyac para sa RTC Mindoro Oriental.
Ang mga nabangit na mga bagong judges ay kabilang sa mga nominado na isinailalim sa masusing pagsasala ng Judicial and Bar Council na ipinadala naman sa Malakanyang.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo