Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatanggap ng militar at pulisya ang lahat ng kanilang kailangan lalo ang mga bagong kagamitan.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalaw sa Philippine Army General Hospital sa Taguig City, kung saan naka-confine ang 26 na sundalong nasugatan sa iba’t ibang engkwentro na karamiha’y sa Marawi.
Ini-award din ng punong ehekutibo ang order of Lapu-Lapu at nagbigay ng 100,000 Pesos sa bawat isang nasugatang sundalo.
Kabilang anya sa mga bibilhin ay mga bagong baril para sa mga sundalo at pulis.
Bibili rin ng 23 karagdagang attack helicopters na bago.