Nakapagtala ng mga bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa apat na bayan sa Tarlac.
Ipinabatid ni Tarlac Governor Susan Yap na kabilang sa mga nagpositibo sa ASF ang mga alagang baboy mula sa Victoria, Capas, Concepcion at La Paz.
Sinabi ni Yap na nag positibo sa ASF ang mga kinuhang blood samples mula sa mga baboy matapos isailalim sa confirmatory test ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory.
Ayon naman kay Provincial Veterinarian Dr. Maria Lorna Baculanta, hiniling niya sa agriculture officials na ipatupad ang 1-7-10 quarantine protocol.
Nakasaad sa nasabing protocol ang pagkatay sa mga alagang baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius ng apektadong lugar kahit walang ASF ang mga ito, samantalang ang mga nasa loob ng 7-kilometer radius ay isasailalim sa surveillance habang ang mga nasa loob ng 10-kilometer radius ay sasailalim sa mandatory monitoring.