Muling nakapagtala ng bagong kaso ng Avian Influenza o Bird Flu ang World Health Organization for Animal Health sa ilang lugar sa Luzon at Mindanao.
Sa Luzon, ang lugar na may kaso na ng Bird Flu ay ang barangay San Juan, San Carlos at Camias sa Pampanga; Marabulig 2 sa Isabela, Manarog sa Nueva Ecija at Sagrada sa Camarines Sur.
Sa Mindanao, naitala ang outbreak sa Barangay Kauran sa Maguindanao, Manuel Roxas sa South Cotabato, Bialong sa North Cotabato at San Isidro sa Davao del Sur.
Sa huling datos, halos 76K na ibon na ang namatay sa Luzon at higit 86 ang pinatay.
Halos 800 naman ang namatay sa Mindanao at higit 12K ang pinatay.