Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong Lunes, umaabot na lamang sa 258 ang aktibong kaso mula nang sumirit ito sa mahigit 4,000 nitong Enero.
Habang nakapagtala ng 17 bagong gumaling at 10 bagong kaso.
Sa kabuuan, umabot na sa 48,739 ang mga dinapuan ng coronavirus sa hanay ng Pambansang Pulisya habang nananatili naman sa 128 ang mga binawian ng buhay.
Samantala, umabot na sa 219,486 o 97.60% ang fully vaccinated sa PNP, kung saan 105,175 o 47.92% ang nabigyan ng booster shot.