Tumaas ng 7% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, ang average COVID-19 cases sa Metro Manila ay nasa 85 ngayong linggo, mas mataas kumpara sa nakaraang average na 79.
Tumaas din aniya sa 0.79 mula 0.66 ang reproduction number o antas ng hawaan sa isang lugar pero ito ay pasok pa rin sa kanilang ideal figure.
Nanatili naman sa 1.4% ang positivity rate sa NCR gayundin ang healthcare utilization para sa COVID-19.
Samantala, nasa low risk pa rin sa COVID-19 ang Metro Manila.