Nagtalaga ng mga bagong kinatawan sa ilang bansa sa Europa at Africa ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinalaga ng Pangulo si Edwar Fereira bilang Special Envoy to Kazakhstan sa loob ng anim na buwan.
Ang dating Ambassador at Spokesman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Ambassador Raul Hernandez ay inilipat bilang Ambassador ng Turkey.
Kasama sa bagong papel ni Hernandez ang kasalukuyan niyang hurisdiksyon sa Georgia at Azerbaijan.
Itinalaga rin ng Pangulo si dating Ambassador to Lebanon Leah Ruiz bilang bagong Ambassador sa Poland samantalang sa Kenya naman napunta si Ambassador Alex Chua.
—-