Umaabot sa 38 bagitong Kongresista ang sumailalim sa Executive Course on Legislation.
Ito ay pinangasiwaan ng House of Representatives sa pakikipagtulungan ng UP Center for Policy and Executive Movement.
Kabilang sa mga sumailalim sa lawmaking crash course sina dating MMDA Chairman Bayani Fernando na ngayo’y kinatawan ng Marikina First District, dating Councilor Yul servo na ngayo’y kinatawan ng Maynila at Atty. Harry Roque na kinatawan ng Kabayan Partylist.
Kabuuang 108 ang mga incoming Congressmen, kung saan 68 rito ay mga bagito at 40 ang mga dati nang kongresista na magbabalik-kamara.
By: Meann Tanbio