22 ang naitalang mga bagong nasawing Pilipino sa ibang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 244 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasawi sa ibayong dagat dahil sa nasabing virus.
Ayon sa DFA sa nakalipas na magdamag ay naitala ang dalawandaan at labing walong panibagong bilang ng mga pinoy na tinamaan ng COVID-19 kayat nasa 2,140 ang kabuuang bilang ng mga pinoy na dinapuan ng naturang virus.
Nananatili ang Europa ang nakapagtala ng pinakamaraming pilipino na kumpirmadong nag positibo sa COVID-19 na nasa 647 cases, ikalawa ang Middle East – 616 cases, ikatlo ang Americas – 504 cases at ika apat ang Asia Pacific – 373 cases.