Nanumpa na kay Pangulong Bongbong Marcos sa Malakañang ang mga bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Itinalaga ni Pangulong Marcos ang mga bagong miyembro ng SRA bilang bahagi ng rigodon sa ahensya matapos magbitiw ang ilang dating opisyal na nakaladkad sa sugar fiasco.
Kabilang sa mga nanumpa sina David John Thaddeus Alba bilang administrator ng SRA kapalit ni Hermenegildo Serafica;
Maria Mitzi Mangwag, kinatawan ng sugar millers at Pablo Luis Azcona bilang kinatawan naman ng sugar planters.
Kumpiyansa si PBBM na malalampasan ng mga bagong opisyal ang mga hamong kinakaharap sa sugar industry.
Matapos ang Oath-taking, pinulong ng Pangulo ang mga nasabing SRA member kaugnay sa pagtiyak sa supply ng nasabing produkto.