Ilang bagong opisyal ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mahigit sampung ahensya ng pamahalaan.
Sa Department of Agriculture (DA), kinilala sina Christopher Morales at Cheryl Marie Natividad-Caballero bilang bagong undersecretary; habang magiging bagong assistant secretary ng kagawaran si Constante de Palabrica.
Magiging assistant secretary naman ng Office of the President (OP) si Felix Castro.
Samantala, kabilang na sa Department of Finance (DOF) si Joven Balbosa bilang undersecretary at si Gerald Alan Quebral bilang assistant secretary.
Bukod sa mga nabanggit na ahensya, nagtalaga rin si Pangulong Marcos ng bagong appointees sa National Youth Commission (NYC), Philippine Postal Corporation, Department of Agrarian Reform (DAR), Commission on the Filipino Language, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry, Department of Transportation (DOTr), at State Universities and Colleges (SUCs).