Nanumpa na kay Pangulong Bongbong Marcos ang mga bagong opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Itinalaga ni Pangulong Marcos sina Alejandro Tengco bilang chairman at chief executive officer ng PAGCOR habang President at Chief operating officer si Juanito Sañosa.
Si Tengco ang magiging kapalit ni Andrea Domingo bilang Chairman at CEO.
Nanumpa naman bilang mga bagong miyembro ng Board of Directors ng nasabing Regulatory Body sina Engineer Francis Democrito Concordia, Gilbert Remulla at Jose Maria Ortega.