Ikinakasa na ang mga bagong patakaran para sa mga turistang aakyat sa Mt. Pulag sa Mountain Province.
Ito’y makaraang mapinsala ang naturang bundok sa nangyaring forest fire na sanhi ng naiwanang kalan ng grupo ng hikers mula sa Cebu.
Ayon kay Teber Dionisio, Park Superintendent ng Mt. Pulag National Park, lumabas sa imbesitgasyon na sinindihan ang naturang kalan subalit lumaki ang apoy nito dahil malakas ang hangin sa lugar.
Biglang naitapon ng hiker ang kalan sa madamong lugar na siyang dahilan ng pagsiklab ng sunog at hindi na ito nagawa pang apulahin dahil sa mabilis na pagkalat nito.
Dahil dito, nananatiling sarado ang isa sa mga trail ng naturang bundok bilang bahagi na rin ng seguridad sa naturang bundok.
—-