Nagtalaga na si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles ngayong araw.
Aniya, itinalaga ng Pangulo si Lt. Gen Bartolome Vicente O. Bacarro bilang Chief of Staff ng AFP at pormal na uupo sa Agosto a-8.
Batay sa RA 11709, si Bacarro ang magiging unang CS-AFP na mabibigyan ng tatlong taong termino.
Si Bacarro ay graduate ng Philippine Military Academy Maringal Class of 1988 at una ring nakatanggap ng Medal of Valor.
Itinalaga rin ng Pangulo si Dir. Medardo de Lemos para sa NBI.
Si de Lemos ay isang Abogado at Career officer na mahigit 30 taon nang nagsisilbi sa ahensya.
Habang si Lt. Gen. rodolfo Azurin, Jr. naman ang magiging pinuno ng Philippine National Police.
Si Azurin ay nakapagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989 at kasalukuyang Commander ng Northern Luzon Police Area.