Posibleng maresolba na sa Abril ng taong ito ang matagal nang problema sa kakulangan ng plaka ng sasakyan.
Ayon kay Land Transportation Office o LTO Chief Edgar Galvante, mayroon na silang nakuhang bagong supplier ng plaka matapos silang magsagawa ng bagong bidding.
“Dadalhin na nila yung kanilang makina, makukumpleto ito within February, then March mag-test run kami at hopefully by first week of April ay makapag-distribute na.” Ani Galvante
Samantala, nilinaw ni Galvante na ang mga plakang nasakop ng tinanggal nang temporary restraining order o TRO ng Korte Suprema ay mga plakang pamalit lamang sa nga berdeng plaka.
Sa ngayon aniya ay ipinagpapatuloy na nila pamamahagi sa tatlong daang libong (300,000) plaka na natira mula sa pitong daang libong (700,000) plaka bago ito pinigil noon ng Korte Suprema.
“Yung covered nito ay ino-notify by all means possible, karamihan nito dahil replacement kumbaga may mga may-ari na nito kais ang plaka natin, ng sasakyan ay hindi nagpapalit ng numero.” Pahayag ni Galvante
Umaasa si Galvante na masisimulan nila ang pamamahagi ng mga bagong plaka sa Abril.
(Ratsada Balita Interview)