Magpapatupad ng mga bagong airport protocols ang Civil Aviation Authority of the Philippines upang matiyak ang ligtas na biyahe ni Incoming President Rodrigo Duterte sa Metro Manila at Davao City.
Ayon kay CAAP Deputy Director General for Operations, Gen. Rodante Joya, kailangang bumalangkas ang Presidential Security Group at iba pang government agencies ng bagong regulations para sa commercial plane trips ni Duterte.
Hindi anya maiiwasang maapektuhan ang ibang flights ng susunod na Pangulo sa ilalim ng kasalukuyang airport protocol.
Ito’y dahil walang ibang eroplano ang maaaring bumiyahe maging ang ibang sasakyan upang matiyak ang seguridad ni Duterte habang nasa airport.
By: Drew Nacino