Dahil pamamahalaan na ng Philippine National Police (PNP) ang PNP Academy (PNPA) at National Police Training Institute (NPTI) ay inaasahang maiiwas sa katiwalian ang mga bagong pulis.
Ito ang pahayag ni PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11279 na nagsasailalim dito sa supervision at control ng PNP mula sa dating Philippine Public Safety College.
Ang NPTI naman ay pamumunuan ng isang direktor na may ranggong Police Major General at matutukoy ito sa pamamagitan ng binagong organizational structure ng naturang yunit.
Ayon kay Banac, sa pamamagitan nito, mas masusubaybayan nang mabuti ng Pambansang Pulisya ang pagsasanay ng mga police recruits at mailalayo sila sa anumang iligal na gawain.