Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP na nagsisimula nang magpalakas uli ang mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS na nakatakas sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay Major General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, tinatayang nasa dalawandaan (200) na ang namonitor nilang bagong recruit ng Maute – ISIS.
Gayunman, tiniyak ni Padilla na nakahanda ang militar sa anumang pagkilos na gagawin ng bagong grupo ng Maute-ISIS.
“Napag-alaman natin na may mga iilan diyan lalo na ang mga nag-survive nang kauna-unahang buwan ng bakbakan diyan sa Marawi mismo, sila ngayon ang nagre-recruit at naghihimok ng iba pang mga maaari nilang mahimok na sumali sa kanilang panig at ayon sa bilang na nakuha natin may iilan diyan na nakapag-recruit, at ngayon ang bilang nila ay umabot na sa 200, yung lugar na iniikutan nila ay mga kalapit lugar din, karamihan ay nariyan din sa paligid ng lungsod ng Marawi.” Pahayag ni Padilla.
(Balitang Todong Lakas Interview)