Nailipat na ang unang batch ng mga bagong riles para sa MRT-3 sa tracks laydown yard malapit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Harbor Port Center sa Maynila.
The transfer of the new rails from the Port of Manila to Parañaque will take 20 to 40 days, as this will only be conducted at night to avoid affecting traffic.#DOTrPH pic.twitter.com/svZyzZA4Ya
— DOTrPH (@DOTrPH) August 2, 2019
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), unti-unti ang kanilang paglilipat sa mahigit 4,000 bagong riles kung saan gabi lamang anila ito ginagawa para hindi makasagabal sa trapiko.
Isasailalim naman sa testing ang mga nasabing riles bago ilipat sa MRT Taft station para sa welding at pagkakabit na inaasahang masisimulan sa nobyembre.
Una nang sinabi ng DOTr na kanilang gagawin ang pagkakabit sa riles tuwing walang operasyon ang MRT.
Dumating sa Harbour Centre Port Terminal sa Maynila mula Japan ang mga nabanggit na bagong riles noong Hulyo 9.