Matatagalan pa ang kalbaryo ng mga pasahero ng Metro Rail Transit o MRT sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagong bagon.
Ito’y dahil sa kinakailangan pang dumaan sa panibagong bidding ang pagpapalit at pagpapakabit ng mga bagong riles nito.
Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, itinakda ang ikalawang bidding para sa pagpapakabit ng mga bagong riles sa Pebrero 22 dahil hindi lumusot ang unang bidding para rito.
Paliwanag ni Buenafe, hindi aniya kasi naisama ang installation sa procurement ng mga bagong riles at accessories.
Sinisi pa ni Buenafe ang orihinal na nagmamay-ari ng MRT dahil sa hindi nito nagampanan ng maayos ang kanilang obligasyon para sa maintenance ng naturang mass transit.
By Jaymark Dagala