Sa wakas ay dumating na ang mga bagong riles ng tren ng Metro Rail Transit o MRT-3.
Ayon sa Department of Transportation and Communications o DOTC nai-deliver na ang higit sa 7,000 lineal meter ng mga bagong bakal na riles nitong nakaraang linggo na siguradong magbibigay ng mas ligtas at mas maayos na serbisyo sa mga mananakay ng MRT.
Itatakda ng ahensya ang paglalagay ng mga bagong riles sa mga oras na hindi makakaabala sa mga pasahero.
Bukod sa bagong riles, inaasahang darating naman sa susunod na buwan ang unang batch ng mga bagong bagon ng MRT.
By Rianne Briones