Magkakasa ng mga bagong panuntunan sa imbestigasyon ang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Senador Francis Tolentino, ang mga bagong rules ay para mas maging responsive anya ang Blue Ribbon Committee at mapangalagaan ang karapatan ng mga iniimbestigahan.
Sinabi ni Tolentino na dapat magkaroon ng preliminary determination at hindi yung pagka-file ay isasalang kaagad lalo pa’t kakaunti lamang ang mga miyembro ng Blue Ribbon.
Sa 19th Congress, ipinabatid ni Tolentino na maglalagay siya ng “referral to prosecute” provision sa rules ng Blue Ribbon Panel at maglalatag ng mga bagong panuntunan para maging time bound aniya ang mga imbestigasyon at makita ang pagkakaiba ng commitment order at detention order bukod sa pagtatalaga ng permanenteng Blue Ribbon Committee General Counsel.