Nakaambang taasan ang Excise Tax na ipapataw sa mga ibinebentang bagong sasakyan.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Representative Dakila Carlo Cua, lalagyan ng 5% excise tax ang mga sasakyan na nagkakahalaga ng 600,000 piso.
Magiging 20 percent ang ipapataw na buwis kung ang selling price ng sasakyan ay higit Anim na Raang Libong piso hanggang Isang Milyong Piso.
40% Excise Tax naman ang ipapataw para sa mga sasakyang nagkakahalaga ng higit sa Isang Milyong Piso hanggang 2 Point 1 Million Pesos.
60% Excise Tax ang ipapataw sa itinuturing na luxury cars o iyong nagkakahalaga ng higit sa 2 point 1 million pesos.
Sinabi ni Cua, bahagi ang nasabing hakbang ng tax reform package ng Department of Finance.
Isa rin, aniya, itong paraan upang mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan.
By: Avee Devierte