Nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi magdudulot ng kalituhan sa publiko ang ilalabas nilang mga bagong serye ng barya sa Hulyo.
Ayon kay Deputy Governor Diwa Gunigundo, madali namang makita ang pagkakaiba ng disenyo ng bawat halaga lalo na ang Limang Piso at Piso basta ito’y tititigan ng mabuti.
Dagdag pa ni Gunigundo, makikita ang pagkakaiba ng mga barya sa pamamagitan ng mukha ng bayaning nakalagay dito kung saan si Andres Bonifacio ang nasa Limang Piso habang si Jose Rizal naman ang nasa Piso.
Kumpyansa naman ang BSP na masasanay rin ag publiko sa oras na mailabas na nila ang lahat ng bagong disenyo ng mga barya.