Pinangalanan na ni bagong AFP chief of staff Lt. Gen. Noel Clement ang mga bagong opisyal ng Philippine Military Academy (PMA).
Kasunod na rin ito nang pagbibitiw ng ilan sa mga opisyal ng PMA dahil sa usapin nang pagkamatay ni hazing victim Cadet 4th class Darwin Dormitorio.
Ayon kay Clement si Rear Admiral Allan Cusi ang magiging officer in charge superintendent samantalang si Brigadier General Romeo Brawner ang bagong acting commandant ng PMA cadets.
Pinalitan ni cusi si Lt. Gen Ronnie Evangelista at si Brawner naman ang kapalit ni Brigadier General Bartolome Bacarro. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)