Ibinunyag ni Senador JV Ejercito na may nakasalamuha siyang mga opisyal na hindi tunay na Pilipino.
Sa kapihan sa senado, sinabi ng senador na ilan sa mga ito ay elected local official at party-list representantives.
Kaugnay nito, iginiit ni Sen. Ejercito na mahalagang mabusisi kung paano nakapasok ang mga ito sa pamahalaan.
Samantala, kinumpirma naman ni Sen. Ejercito na may mga bagong pangalan na isiniwalat si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa huling executive session ng senado.