Posibleng magkaroon na ng mga bagong transport network company na papasok sa ride-sharing services sa bansa.
Kasunod ito ng acquisition ng Grab sa operasyon ng Uber sa Southeast Asia.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Aileen Lizada, apat na kumpanya ang nagpahayag ng interes na magserbisyo sa mga mananakay partikular ang kumpanyang pira, Lag Go, Owto at Hype.
Aniya, kung makakapag-comply ang naturang mga kumpanya sa kaukulang mga requirements na itinakda ng batas ay magkakaroon na ng bagong kakumpetensya ang Uber na magkakaroon ng walumpung market share dahil sa pagbili nito sa Uber.
Umaasa ang LTFRB na makapag-o-operate ang naturang mga kumpanya bago matapos ang second quarter ng taon.
Samantala, nagsimula na ang review ng PCC o Philippine Competition Commission sa merger sa pagitan ng Uber at Grab.
Ayon sa PCC, magsisimula na ang MOU proprio review sa naging deal ng dalawang kumpanya kahit pa hindi ito umabot sa itinakdang threshold ang naging transaksyon dahil na rin pangunahing maapektuhan nito ay ang riding public.
Sa isinagawang prelimnary assessment ay nakitang posibleng magdulot ng monopolyo ang naging acquisition lalo’t aabot na sa walumpung (80) porsyento ang hawak ng Grab sa ride – sharing market.
Itinakda ng public hearing sa naturang usapin sa Huwebes, Abril 5.
Sa kabila ng review ng PCC, tuloy naman ang pagsasanib ng Uber at Grab sa susunod na linggo.
Ayon sa Grab Philippines, pagpatak ng April 8 ay hindi na magagamit ang application ng Uber at ang mga drayber sa ilalim ng naturang kumpanya ay kinakailangan na magpatala sa kanila.
Handa naman ang Grab na makipagtulungan sa gagawing review ng PCC.
—-