Malapit nang mapakinabangan ng publiko ang mga bagong-bagong tren sa MRT o Metro Rail Transit Line 3.
Ito’y makaraang isailalim sa inspeksyon ng mga opisyal mula sa MRTC ang mga bagong-bago na binili ng gobyerno mula sa Dalian Locomotive and Rolling Stock na mula sa China.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, kailangan pang sumailalim ang mga bagong-bago sa dalawang linggong testing partikular na sa signaling system nito upang matiyak na uubra na itong pakinabangan.
Taong 2013 nang bilhin ng Department of Transportation o DOT ang may 48 na bagong tren mula sa Dalian kung saan, 45 rito ang maaari nang patakbuhin.
By Jaymark Dagala