Sumasailalim na sa huling bahagi ng testing ang mga bagong tren ng Metro Rail Transit.
Gayunman, nilinaw ni MRT Director for Operations Deo Manalo na hindi pa sila nakatatanggap ng certification mula sa kumpanyang Bombardier, ang signaling system supplier, na kailangan bago i-operate ang isa sa mga train set.
Ayon kay Manalo, dapat matapos ngayong Marso o sa Abril ang serye ng mga test sa 16 na set ng tren.
Isa anyang hamon para sa kanila na patakbuhin ang proyekto lalo’t karamihan sa mga contractual engineer sa ilalim ng MRT project ay napaso na ang kontrata kaya’t bumagal ang turnover ng mga dokumento ng Dalian Locomotive.
Paglilinaw pa ni Manalo, isinumite na nila ang mga dokumento kay Transportation Undersecretary for Rail Cesar Chavez noong isang linggo.
By: Drew Nacino