Inilalagay na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga tren sa Metro Rail Transit Line 7 na nagmula pa sa Hyundai Rotem ng South Korea.
Ayon kay S.M.C. President Ramon Ang, kailangan nilang maging maingat sa buong proseso upang matiyak na maayos at mabilis na mailalagay ang tren habang nagpapatuloy ang inspeksyon.
Ang bawat tren ay may habang 65.45 meters na kasinghaba ng Olympic-size swimming pool.
Puspusan na anya ang kanilang trabaho upang maabot ang target na unang test run sa susunod na taon lalo’t matagal na itong hinihintay ng mga mamamayang nais maranasan ang mabilis at komportableng biyahe.—sa panulat ni Drew Nacino